Tuesday, September 27, 2011

Piolo Pascual: Napaiyak!

Napaiyak ang Kapamilya actor, Piolo Pascual ng narinig nya ang nilalaman ng upcoming teleserye nyang "Padre de Pamilya".  Ayon sa actor sa kanyang interview na ipinalabas noong September 25, sa The Buzz,  " Napaiyak ako nung sinabi sa amin ang twist ng story."


Sa kabilang panig, ang kapwa Kapamilya actor niyang si Jerecho Rosales na makakasama nya rin sa gagawing proyekto sa kanyang interview sa Tv Patrol. Ayun sa kanya, " Masaya ako na naging part ako ng konsepto na ito. Alam ng management team kung gaano namin gusto mag work na kasama ni PJ (Piolo Pascual)".


Sa kabilang dako naman ayon kay Piolo Pascual " It's a blessing to work with a brother. It's privilege for us ti be part of something so big, something na alam kung matutunan."

Masaya at naeexcite si PJ para sa proyektong ito na kung saan gaganap siya bilang isang priest.
"Natatakot ako kasi hindi birong mag invest ng emotion mo sa isang proyekto, what more kung alam mong real."

Makakasama din dito ang veteran actor at ngayon Batangas Board Member na, Christopher de Leon. "Luckily, government official na ako. I hope I can do justice. It's an honor for me to work again with Piolo Pascual and Jericho", ayon sa kanya.

Makakasama nila sa proyektong ito sina Maricar Reyes, Denise Laurel, Rafael Rosell and Jeffrey Santos.

Isa naman ito sa aabangan at hahangaan ng bawat taga panood ng ABS-CBN.

0 comments:

Post a Comment