Thursday, September 22, 2011

Nora Aunor: Ayoko Talaga Sa ABS-CBN!

" Ayoko talaga sa kanila ", yan ang nabitiwan ng Super Star Nora Aunor sa kanyang interview sa YES Magazine.
Isa sa mga kweninto ng Super Star ay ang pangyayaring naganap noong 2002, nang pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN para gawin ang primetime soap opera na Bituin.



Ayon kay Nora:

"So, di, kinontrata nila uli ako," pagsisimula ni Nora.

"Nauna pa ako, e, sa set, wala silang problema sa akin.

"No'ng natapos na 'yong ilang weeks, biglang wala na.


"Ngayon, mabuti na lang do'n sa kontrata, nakalagay na kapag sila nagkamali, obligado silang bayaran pa rin ako kung ano 'yong dapat ibabayad sa akin.

"One hundred percent no'ng dapat total na ibabayad sa akin pag hindi ako ang may kamalian, babayaran ako."


Dahil sa pangyayaring ito, umiiwas na ang kampo ng Super sa mga proyekto na binibigay ng naturang network.

" Actually, wala na 'yon " giit ng Super Star sa naturang interview.

Agad naman lumabas ng statement ang network ng ABS-CBN tungkol sa pahayag ng Super Star.

ABS-CBN TV Entertainment Head, Ms. Linggit Tan ang nagbigay ng statement tungkol dito.

Ayon sa kanya, "Number one: Ang context ng Nora-ABS-CBN contract is that it was for a weekly anthology called Star Drama Theater Presents.

"Ang concept nito ay the show will feature one star for one season, with a season running for thirteen weeks.

"But Nora's season had to be cut short because of her unprofessional working habits...

"Number two: ABS-CBN gave Nora Bituin, a soap opera starring her and Cherie Gil...



“But for a soap to work, it has to be consistent in terms of quality, acting, production timetable…

“But the working habits of Nora, naulit-ulit…

“Number three: Prior to her much-talked about return to Philippines, certain quarters representing her were talking to ABS.


“They came to us!

“In all fairness to the network, we never entertained any of those offers. It’s to our detriment naman to say hindi siya interesado sa amin.

“We didn’t respond to those feelers.

“It’s not her option to choose us…

“But we wish her well.”


Ang kabuoan ng interview ni Nora Aunor ukol sa ABS-CBN ay mababasa sa October issue ng YES Magazine na mabibili sa Newstand and Bookstore Nationwide.

0 comments:

Post a Comment