Saturday, November 5, 2011

Meet Diane Aquino 'Seksi bossing ng Quezon City'

Kung tutuusin ay hindi na kailangang magtrabaho ng creative head ng isang below-the-line marketing agency na si Diane.


Subalit minsan daw na nagbabakasyon siya sa Boracay ay may nakapansin sa kanya at sinabi kung gusto niyang mag-audition for PBB.
Sinunggaban ni Diane ang pagkakataon. Hanggang sa ma-realize niya na papasok na pala siya bilang isa mga housemates. Gaya ng mga kasamahan niyang nag-audition, aminado si Diane na hindi kasing makulay ng iba ang kanyang life story. “Ako wala akong kuwentong kakaiba. Sobrang normal lang ako. Baka ‘yung lack ng kuwento baka it’s something baka matanggal na ako kaagad (sa audition pa lang). Two months later, to my surprise they called me again,” pahayag niya. "Sa dulo na lang talaga when I finally met Direk Lauren (Dyogi) doon na lang nag-sink in sa akin na, ‘Uy these guys find me interesting even if don’t have like a sob story.’ Joining a reality show isn’t really limited on the kind of story that you have. The personality (also counts) I guess. Siguro fun ako. Makikita n’yo.”

Inamin din ni Diane na kaka-break lang niya sa boyfriend niya of six years. Kuwento niya, nakipag-break siya dahil tila wala siyang nakikitang future. “If you’re in a relationship that long the next step is planning in the future. There were instances that hindered my then boyfriend na makapag-plan. I didn’t expect him (to say) pakasal na tayo. I know he’s not ready, I’m not ready. All I wanted really was a plan, the next step but it seemed to me it was taxing for him to make plans in the future. I got hurt. How else will you move forward with ganung problem? I decided to break up with him. I think it was the next best thing to do. I want him to realize na ‘yung mga relationship dumadating sa puntong ganon you can’t make iwas forever.”

0 comments:

Post a Comment