Monday, October 17, 2011

Ryan Bangs! Good Bye Pinas?

Naging guest hurado siya na humigit isang taon sa noon time show ng ABS-CBN “Showtime”, pinasaya ang milyon-milyong taga subaybay ng programa, dahil sa natural nyang galing sa pagpapatawa. Ngunit sa di kalaunay naging burado din sya sa naturang programa.



Ang pagkawala nya kaya bilang isang hurado sa Showtime ang dahilan kung bakit lilisanin na ni Ryan Bangs ang shobiz at uuwi na sya sa Korea ng makapiling nya na ang kanyang pamilya?


Ito ngayon ang kumakalat na bali-balita na di umanoy lilisanin na ni Ryan Bangs ang Pinas at uuwi na sya sa kanyang Homecountry Korea.

Ito nama’y pinabulaanan ng comediante na di totoo ang kumakalat na chismis na lilisanin nya na ang Pinas at di na sya babalik, sa kanyang interview sa The Buzz. Lilisanin nya ang Pinas ngunit mag sicelebrate lang sya ng christmas doon kasama ang malapit nyang kaibigan na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Ayon kay Ryan:
Hindi totoo. Sa December sama kami Melai at Jason para sa vacation. Kasi si Melai hindi pa siya nakakita ng snow. Pero babalik kami rito. Gusto ko nakatira dito hanggang mamatay ako. ”

Oh ayan ha, di naman pala tayo iiwan ni Ryan eh! Merry Christmas in advance Ryan!

0 comments:

Post a Comment