Saturday, October 1, 2011

Angeline Quinto on Sarah Geronimo: React on Priority over Her!

Usap-usapan nganon ang mainit na issue about Sarah Geronimo at Angeline Quinto, kung saan malapit ng lumipat di umano ang Pop princess sa kabilang istasyon dahil sa di pangundangang pagkukumpara sa kanila ng sumisikat na si Angeline. Ngunit pumirma ng bagong kuntrata si Sarah sa ABS-CBN, balitang may dala na itong isang kundisyon na hiningi ni Bos Vic del Rosario sa kapamilya network na kung pwede di masyadong itulak ang career ni Angeline, proteksyon na din ito sa tinatamasang kasikatan ng Pop Princess.


Sa pagpasuk ni Angeline sa shobiz agad itung umangat ang kanyang pangalan dala na din sa ganda at galing nya sa pag-awit, dahil doon paborito na silang ikumpara ni Sarah sa isat isa. Sa kanilang show sa Asap Rocks, laging tinututukan ang production no. ng dalawa at hinahambing kung sino sa kanila ang magaling.


Noong nakapanayam ng isang Entertainment portal si Angeline agad naman itung dinipinsahan ang Pop Princess.

"Hindi naman ako naniniwala. Kasi ako, feeling ko, di yun magagawa ni Sarah.
"Kapag siya ang kausap ko, sobrang wala din akong masabi sa lahat ng advice na binibigay niya.
"Siya pa ang nagsasabi sa akin na talagang mararating ko ang lahat ng pangarap ko kasi mabait daw akong tao.
"Minsan kasi, sa kanya rin ako humihingi ng advice, kasi alam kong napagdaanan niya lahat ng mga napagdadaanan ko ngayon."

Para sa darating nyang movie. Malaki ang pasalamat nya sa ABS-CBN dahil sa malaking break at tiwala na binigay ng network sa kanya.

"Siyempre, sobra akong honored. Wala pa akong isang taon na nananalo sa Star Power, pero binigyan agad ako ng movie.
"Kaya sobra akong nagpapasalamat sa tiwala na ibinibigay nila sa akin.
"Excited ako nang malaman ko na gagawa ako ng pelikula."

Sa ngayon abala si Angeline sa pag shooting ng pelikula nyang pinamagatang " You Light Up My LIfe " na kung saan makakatambal nya ang hinahangaan nyang si Coco Martin. May posibilidad na mas titindi pa ang pag kukumpara sa dalawa na kung saan pinasuk na din ni Angeline ang paggawa ng pelikula.

"Basta ako, hindi naman lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon kaya talagang ginagawa ko ang lahat para sa trabaho ko," sabi ni Angeline.
"Pinangarap ko ito, at masaya ako na unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan.
"Kami... nag-usap kami ni Sarah mga two months ago pa.
"'Di ko pa alam nu'n ang tungkol sa pelikulang ito kaya 'di ko na-open sa kanya."

Ayon sa knya,nasanay na rin daw siyang kinukumpara silang dalawa ni Sarah.

"Sa Star Power competition pa lang, ang dami ko nang naririnig na ganyan. Kumbaga, sanay na rin ako. Sa akin, normal lang yun sa buhay showbiz."

Naitanung kay Angeline kung tungkol saan bha ang pelikula nyang You Light Up My Life?

"Itong pelikulang ito, 'di naman siya pure drama. May halo siyang comedy.
"Isa akong ordinaryong tao na tourist guide. Koreano yung tatay ko kaya mahilig ako sa Koreanovela. Gusto kong makita ang tatay ko na Koreano," ang kwento ni Angeline.
"Si Coco, isa siyang photographer. Madalas kaming magkasama sa trabaho. Medyo 'di kami okay. Siguro mainitin ang ulo niya. Ako, makulit ako dito, tapos lagi siyang naiinis sa akin."

Isa ito sa mga pinapangarap ni Ageline na makagawa ng isang pelikula na makakatambal nya ang kanyang hinahangaang si Coco Martin.

"Dati in-interview ako kung sino ang gusto kong makasama sa pelikula. Ayun, nagkatotoo naman na ang unang movie ko, si Coco Martin agad ang kapareha ko.
"Masayang-masaya ako, kasi di naman ako pinabayaan ni Coco [sa mga eksena]. Tinutulungan niya ako.
"Nung una, siyempre kinakabahan ako, tapos naiilang ako. Alam naman niya yun [na crush ko siya]. Pero, siyempre, kailangan sa trabaho."

Ayon kay Coco, nagulat raw siya dahil parang 'di first timer si Angeline sa acting. Anong reaction ng dalagang singer-actress dito?

"A, talaga? Nung una, 'di nawawala yung kaba [ko] kasi wala naman akong alam sa pag-arte.
"Ako, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para sa movie.
"Alam naman natin na magaling na artista si Coco. Ayoko namang mapaghulihan.
"Marami akong pinagdaanan bago ako isalang dito."

Nag react naman si Angeline sa napapabalitang paglipat ni Mega Star Sharon Cuneta sa Tv5 sa susunod na taon. Si Angeline ay produkto ng isang singing competition na inilunsad ng ABS-CBN " Star Power " na kung saan naging host ang Mega Star. At hinirang na champion si Angeline dito.

"Ay, di ko alam yan. Siyempre masa-sad ako kasi dahil kay Ms. Sharon kaya ako nakilala ng tao.
"Nakakalungkot kung lilipat nga siya sa TV5. Pero, wala naman akong magagawa sa desisyon ni Ma'am Sharon."

0 comments:

Post a Comment