Saturday, October 29, 2011

Pinoy Big Brother Unlimited:Housemates Information!

to know more about the new hpusemates of Kuya? Here are some information about theme.



Abarico, Marnill S.

Sanay sa hirap ng buhay, si Kigoy ay lumaking mulat sa iba’t ibang hamon ng magulong mundong kanyang kinalakihan. Marami mang beses na sya ay naligaw ng landas, si Kigoy ay patuloy na hinanap ang tamang daan tungo sa kanyang tunay na pagbabago. Sumali si Kigoy sa PBB upang mahanap ang dalawa pa nyang nawalay na kapatid . Siya ay kabilang sa anim na magkakapatid sa iisang ina, ngunit iba-ibang ama. Ang gusto lamang nya ay dumating ang araw na mabuo ang kanyang pamilya
Naturingan mang pusong bato, si Kigoy ay minsan ring umibig. Patunay dito ang tattoo ng pangalan ng nag-iisang babaeng kanyang minahal. Marami man siyang babaeng pina-ibig sa kanyang mala-Binoe na kilos, tanging ang babaeng ito ang nakapagpalambot sa kinilalang siga ng Ormoc.
“Gusto kong magbagong-buhay,” mithi ni Kigoy. Sa kanyang pagpasok sa PBB, ito, maliban sa paghanap sa kanyang mga kapatid ang tangi nya lamang nais. “Dati, seryoso ako medaling mapikon. Pero ngayon gusto kong magpasaya.”
Biggel, Joseph Emil S.

Tisoy man sa paningin, Pinoy na Pinoy pa rin. Lumaki sa piling ng kanyang lolo at lola sa Marinduque, ang half-German na si Biggel ay natutong pasukin ang iba’t ibang klase ng trabaho para tulungang mapag-aral ang nag-iisang kapatid na kanyang kasama matapos silang iwan ng kanilang ina upang mangibang-bansa. Natuto syang mangisda, magsaka at minsan ri’y pinasok ang pagiging make-up artist sa punerarya. Idolo ni Biggel si Coco Martin. “Ang galing nyang umarte!,” sabi nya.
Malayo man sa mala-rakista nyang porma na dala ng kanyang matulis na mohawk, ang matapang na si Biggel ay may malambot na pusong handa ring tumulong sa oras na kailanganin ng kanyang mga magiging housemates. “Sigurado po yun (na makakasundo sila)! Palakaibigan po ako ‘eh!,” diin ni Biggel.
Evangelista, Philip Joel Lape

“I want to find myself.”
‘Yan ang priority ni Paco sa pagpasok ng bahay ni Kuya. Napansin niya kasi na lahat ng pumasok sa PBB, may sinasabing pagbabago sa sarili at sa buhay. A man of many interests, marami siyang sinubukan at inaral na mga bagay. Kapag naaliw siya sa isang bagay, gaya nalang ng pagluluto at pagsasayaw, maghahanap siya ng video sa YouTube at aaralin ito. “I tried to learn the dougie once. It was fun! I also tried DJ-ing, but I never had the equipment for it so I just know it in theory.” Mahilig siya sa pag-perform, kaya naman may experience din siya sa theater at ballet, pati na din paggaya ng iba’t ibang accents.
Buo ang loob ni Paco na madali siyang makaka-adjust sa mga ibang housemates. “Sa tingin ko, sa training ko, I can communicate well. Marunong din naman akong makinig. I can make people laugh. I think I’d get along well with smart people, someone who I can learn from. Also those with a background in the arts. If they’re pretty, I’d love to get along with them!” Aminado siyang weakness niya ang pagiging prangka sa pagsasalita at dapat niyang ingatan na hindi maging presko sa pakikipag-usap sa mga kasama. Nakikita niya ang sarili bilang entertainer, leader, o communicator ng grupo. Kung hindi man, ok din namang house cook ang role niya, featuring his specialty: beef stroganoff!
Fowler, Kevin Andrew

Lumaki man sa Amerika, bukas si Kevin na mamalagi sa Pilipinas nang matagalan. Pangalawa sa tatlong magkakapatid, malapit siya sa pamilya niya at mga kaibigan. Nasa Amerika ang pamilya niya, pero may mga kamag-anak siyang kasama dito.
Sa pagpasok sa bahay ni Kuya, dala ng Dreamboy ng California ang positive attitude niya. Sa mga pakulo ni Kuya, ang sagot ni Kevin: “I’m ready to be surprised. It’ll be fun. ” Dahil pinalaking independent, sanay din siya sa mga gawaing bahay. “I clean all the time!” Mahiyain siya sa simula at ilag sa mga taong mayabang at walang galang. Pero mabilis naman siyang mag-adjust sa mga kasama. “I like to make people laugh, set a good mood.”
Gamboa, Roy Marcelo

“Kung hindi ko pa gagawin ngayon, kailan pa? Sayang.”
Nasa Manila si Roy nang malaman ang tungkol sa PBB auditions, pero dinayo niya pa ang hometown niyang Pangasinan para lang sumubok. Dahil malapit na mag-30 years old, mixed emotions man ay ayaw na niyang palagpasin ang oportunidad na maipakita ang kakayahan niya. Gaya ng paborito niyang X-Men, naniniwala si Roy na marami din siyang talents na pwedeng i-share sa iba. Bukod sa pagkanta, pag-arte at pag-host, hilig din niya ang pagluluto, kaya naman pwedeng-pwede siyang maging taga-luto sa bahay ni Kuya. “Nakakaalis din ng stress e. Sa akin, okay lang na mauna silang kumain basta matikman ‘yung luto ko. Masaya na ako na panoorin silang nasasarapan sa luto ko.”
Handa na si Roy sa kahit anong iharap sa kanya ni Kuya, pwera nalang siguro sa malalaking aso, dahil nakagat siya dati ng aso. Sa simula pa lang, bukas ang isip niya sa mga pagsubok at posibleng pagkakampihan ng mga housemates sa isa’t isa. “This is a competition anyway,” praktikal na sabi ni Roy. Hindi na bago kay Roy ang pakikisama sa iba’t ibang tao. Natural na sa kanya ang mag-motivate ng mga kasama, lalo na ‘yung mga napanghihinaan na ng loob. “Ako ‘yung tipo ng taong pag nakita kita, tatabihan kita, kikilalanin na kita.” Maselan siya sa pagiging maayos at malinis, pero willing to teach naman. “Ayoko ‘yung madumi sa sarili tsaka magulo sa bahay. Baka ako pa mag-aayos, kasi ‘pag nakita ko na-didistract ako e. Sasabihin ko siguro, o halika, turuan kita, ganito lang.”
de Guzman, Kim .

Simple, maganda at mahinhin: si Kim ang typical girl-next-door na aminadong hindi nya pinlano ang pagsali sa PBB bilang isang housemate. Alam ni Kim na hindi lahat ay nabibigyan ng ganito kalaking pagkakataon kaya agad-agad siyang nag-audition para dito.
Aminado si Kim na marami siyang mami-miss sa kanyang pagpasok sa bahay. Una na rito ang kanyang, pamilya, sunod ang kanyang mga kaibigan, boyfriend na kasabay niyang nag-audition, at higit sa lahat, ang kanyang dalawang aso na sina Waffle at Toffee. Mahilig si Kim mag-shopping at kumain sa labas kasama ang kanyang pamilya at kaibigan. Naglalaro rin siya ng badminton, lawn tennis at bowling, maliban sa kanyang pag-arte sa teatro.
Takot mang masilip ang lahat ng kanyang ikinikilos sa loob ng bahay, handang haharapin ni Kim ang lahat ng mga hamong ibibigay sa kanya ni Kuya.
Maitland-Smith, Divine Muego

Sa unang tingin pa lang, sakto ang tawag na Darling Dude kay D. Pinanganak sa Cebu pero may lahing British, magaling mag-Bisaya pero hirap sa Filipino, mala-anghel pero malakas ang dating.Ka-partner ng maamo niyang mukha ang 12 tattoo niya sa katawan. Bukod sa pagiging individual art, sinisimbolo ng bawat isa ang mga mahahalagang bahagi ng buhay niya.
“I just want to have fun,” dahilan ni D sa pagpasok sa PBB. Sa kabilang banda, habol niya rin ang life lessons na matututunan niya sa bahay. Sanay siya sa lahat ng gawaing bahay, pero takot siya sa lahat ng insekto. Madalas siyang pakantahin ng mga kanta ni Justin Bieber, pero ayaw naman niya si Justin Bieber. Hindi man mukhang magkatugma ang mga bagay-bagay sa kanya, for some reason, D makes it work.
Bukod sa mommy at ate niya na role model niya, mami-miss din ni D ang girlfriend niya of 6 months. Ganunpaman, excited si D sa mga haharapin bilang housemate. Sa mga dating housemates, gusto niya si Paul Jake dahil “he’s down to earth and very real. I learned a lot from him, I guess.” Pala-ngiti, open-minded at understanding, wala siyang nakikitang magiging isyu sa mga kasama. “I like people who express themselves, but I also like people who are hard to open up. I think they’re interesting. I like everyone. I don’t really like angry people, then again, they’re angry for a reason. So I’ll understand them more.”
Manabat, Jahziel Ruiz
Kung naging cartoon character siguro si Jaz, sakto sa kanya ang paboritong si Betty Boop. Nagmomodel siya para sa isang popular na magasin. Mukha siyang party girl, pero sa totoo lang, mas gusto niyang mag-DVD marathon kasama ang boyfriend niya at ang baby Shih-Tzu niyang si Kendra. She’s in for the long run, kaya naman talagang proud din siya sa limang taon nilang relasyon ng current boyfriend niya
Gaya ng pagtanggap niya ng pagkakataong maging housemate, hinahanda na niya ang sarili sa mga sorpresa ni Kuya. Paniniwala niya, “Game na sa lahat! Andun na e, sa tagal ng process, uurong pa ba ‘ko? Pero depende, hindi ko rin masasabi. Basta sa ngayon, sige, go.” Sa mga gawaing bahay, good girl si Jaz. “Lahat dapat gawin! Dapat sumunod sa sasabihin ni Kuya.” Sexy at pala-ngiti ang Sensual Siren ng QC, pero hindi lang ganda ang dala ni Jaz sa loob ng bahay. Sa simula, “observer” and role niya at makikiramdam muna siya sa mga kasama. Aminado siyang mabilis siyang ma-bore at may panahong moody siya, pero sa tingin naman niya ay kaya niyang pakisamahan ang lahat ng tao. Kahit hindi niya feel ang mga maaarte, “Deadma na lang, siyempre sa’kin nalang ‘yun, ayoko naman ng kaaway”.
McClinton, Luzviminda Longabila

Si Luz ay minsang nangarap ng magandang kinabukasan para sa kanyang pamilya at ngayong unti-unti nya na itong nakakamit ay nangangarap naman na maiahon ang kabuhayan ng kanyang mga naiwang kapatid sa Aklan. Mula sa paglalako ng goto habang nagpapadyak, pagtitindi ng sigarilyo sa kanto hanggang sa ngayong isa na siyang professional bodybuilder, si Luz ay patuloy na nagsusumikap para sa kinabukasan ng kanyang pamilya dito.
Pamorada, Annielie Gerez

Si Pamu, isang self-proclaimed “lukring”, ay isang proud promdi mula sa Batangas. Pangalawa sa tatlong magkakapatid, aminado si Pamu na mami-miss nya ang kanyang buong pamilya sa kanyang pagpasok sa Bahay ni Kuya, pati na rin ang kanyang mga kaibigan, lalo na ang kanilang paglabas para mag-“party”. Mahilig si Pamu makinig sa R&B music, kasama na ang mga kanta ng kanyang mga paboritong sina Chris Brown, Nicki Minaj at Mary J. Blige. Sa katunayan, madalas syang nagpapatugtog para siya ay makatulog.
Kampante si Pamu na madali niyang makakasundo ang kanyang mga housemate dahil sanay siyang makisama sa lahat ng klase ng tao. “Wala rin siyang uurungan sa mga hamon ni Kuya, maliban na lamang kung pakakainin siya ng exotic food o ang kanyang pinaka-ayaw na gulay, ang ampalaya. Kaya ring pakisamahan ni Pamu ang lahat ng kanyang mga magiging housemate, “makakasundo ko yung mga ka-level ko lang, probinsyano, bakla, foreign kahit hindi ako magaling mag-Ingles.”
Patrimonio, Anna Christine Conwi

Malapit sa pamilya at sa kanyang 16 na aso (may mga Chihuahua, Great Dane, American Cocker Spaniel, Jack Russell, French Bulldog, at Whippet siya), mahiyain sa umpisa ang Captain’s Daughter ng Cainta. Pero gaya ng paborito niyang si Bella ng Twilight, matapos niyang maging observer, lalabas din ang bibo niyang personalidad.
Sumali si Tin sa PBB para sa bagong experience at para maka-meet ng iba’t ibang tao. Dahil isang seryosong athlete, homeschooled siya. Ganunpaman, pakiramdam ni Tin, “Kahit sino naman I’ll get along with, just not creepy ones, like those who stare all the time.” Sa simula pa lang, suportado na ng mommy ni Tin ang pagpasok niya sa bahay ni Kuya. Medyo nag-alangan ang daddy niya (ang basketbolistang si Alvin Patrimonio) pero sa huli, pinayagan din siya sa kanyang desisyon kasama ng paalala “to have no regrets and do your best”. Kung sa bagay, malaki din ang ipinagpalit ni Tin pra sa pagkakataong maging housemate. Sumasali siya ng competitions, at kung hindi dahil sa PBB, sa SEA Games sana ang tuloy niya bilang tennis player!
Ushimi, Seiichi .

Laking-Japan si Seichang, pero dahil taga-Davao ang ina niya, madalas din siyang umuwi sa Pilipinas. At home naman talaga siya dito dahil para sa kanya, mababait ang mga Pinoy. Unang dahilan ng pagpunta niya sa audition? Akala niya makikita niya si Sarah Geronimo! Sa dating housemates, pinaka-naaalala niya si Cathy ng PBB Double Up. Pagpasok sa bahay ni Kuya, game lang si Seichang sa kahit ano. “Basta experience, good opportunity for the future.”
Takot sa ipis si Seichang, kaya importante sa kanyang maging malinis sa bahay at hindi niya uurungan ang anumang gawaing-bahay. Kaya niya din magluto ng hamburger at yakisoba! May konti siyang alam na mga salita, pero nangangapa pa si Sei Chang sa pagsasalita at pag-intindi ng Filipino at English. Ang strategy niya: “Always smile and chika chika!” Hindi man niya makuha sa kwentuhan, may back-up plan ng Pinoy Anime ng Japan: Sign language at acting!
Young, Jan Slater

Isang competitive shooter at varsity table tennis player, si Slater ay umaasang makahanap ng panibagong adventure sa kanyang pagpasok sa Bahay ni Kuya. “I work for my dad. I’m an engineer,” proud na banggit ni Slater. Panganay sa apat na magkakapatid, umaasa si Slater na magamit ang kanyang pagiging kuya sa pamumuno sa mga housemates. “I usually get along with everyone. Hopefully I get along well with them.” Sariwa pa sa pakikipaghiwalay sa kanyang girlfriend tatlong buwan na ang nakalipas, hindi man inaasahan ay bukas si Slater makahanap ng bagong pag-ibig sa isa sa kanyang mga housemates.
Excited si Slater magkaroon ng pagkakataong masubukan ang iba’t ibang bagay sa loob ng bahay. “I expect to go crazy. I joined for an adventure. I want something new, to break the routine.”

0 comments:

Post a Comment