Thursday, January 12, 2012

Coco Martin Shares intimate scene with Julia Montes


Coco Martin and Julia Montes will be paired for the first time in 'Walang Hanggan'.



Coco Martin shares some details on their intimate scenes and has this to say to his co-star Julia Montes:

Natutuwa ako kay Julia, kasi open siya, eh. Kasi siyempre, kami ang mag-partner, kailangan magkaroon kami ng rapport. Si Julia kasi, nakikinig and willing matuto.


“Kumbaga, dahil kailangan naming magtulu­ngan at mag-share sa isa’t isa, kapag may mga eksena kami, ako kasi, concerned ako sa bawat pro­ject ko.


“At ang ginagawa ko talaga, sobrang alalay ang ginagawa ko kay Julia.


“And then siyempre, merong mga intimate scenes na ginagawa kami. Siyempre, pinararamdam ko sa kanya kung gaano ako ka-professional pagdating sa trabaho.


“Ayoko namang ma-offend siya. Baka mamaya, isipin niya, nagti-take advantage ako sa mga eksena.


“Ang nakakatuwa sa kanya kasi, nagsi-sharing kami ng mga idea sa trabaho namin.”

Coco said further that this time a new Coco Martin will be seen in “Walang Hanggan”, not only in physical looks but also acting wise:

“Sabi ko nga, ito ‘yung isa sa pinakabagong experience ko sa paggawa ng soap. Kasi kadalasan, parang lagi akong kontrabida, lagi akong galit, lagi akong intense, lagi akong umiiyak.


“This time, susubukan ko namang magpainlab. Kasi dito sa Walang Hanggan, ‘yung karakter ko, laging nakatawa, laging feel good, gano’n.


“Masarap palang gumawa ng love story, kasi ang sarap nu’ng everytime na dumarating ka sa set, ang gaan-gaan. Parang pakiramdam ko, hindi ako nagti-taping.


“Kasi minsan, siyempre bilang artista, nadadala mo sa bahay at naisasabuhay mo na ‘yung bawat karakter na ginagampanan mo. Dito, kaya magaan ako, kasi nga, magaan din ‘yung ginagawa ko ngayong trabaho.”

0 comments:

Post a Comment