Tuesday, November 8, 2011

Pinoy Big Brother Unlimited New Batch of Housemates

Meet the new batch of housemates sa bahay ni kuya!



Starting with:



Connelly, Jessica Alviola

Nickname:Jessica
Status:Current Housemate
Real Name:Jessica Alviola Connelly
Origin:Wollongong, New South Wales, Australia
Age:19
Birthdate:1992-06-15
Nationality:Fil-Australian
Occupation:Singer
Civil Status:
Religion:
Hobbies:Singing, shopping, sleeping
Favorite Color:Pink, purple, aqua
Favorite Food:Noodles, Chinese food, sushi and ice cream
Favorite Show:Entourage, Jersey Shore, SNN, Saturday Night Live
Favorite Actor:Anne Hathaway, Natalie Portman, Anne Curtis, Dakota Fanning
Favorite Actress:Anne Hathaway, Natalie Portman, Anne Curtis, Dakota Fanning
Favorite Singer:Christina Aguilera, Alicia Keys, Rihanna, Pixie Lott, Julie Anne, Nina, Justin Timberlake, Drake, Sn

Proud si Jessica sa kanyang pagiging independent at an early age at tumira sa Manila bukod sa kanyang pamilya at the age of 17. Soul searching ang nangyari kay Jessica and she’s pleased to say na she lost 40lbs. in the process. Pangarap ng “Pinay Snowwhite ng Taguig” ang maging isang singer so she’s trying her luck in the big city to get her big break.


Half-Australian, Half-Filipina si Jessica at pabalik-balik ang kanilang pamilya sa Land Down Under at sa hometown ng kanyang ina na Cebu. Mahilig sa pag-aalaga ng pet dogs si Jessica and she has a total of 7 dogs – 1 chihuahua, 3 pit bulls, 2 pugs at 1 bischon frise.


Claveria, Lordwin M.

Nickname:Lordwin
Status:Current Housemate
Real Name:Lordwin M. Claveria
Origin:Batangas City
Age:23
Birthdate:1988-01-14
Nationality:Filipino
Occupation:Fish vendor, cell phone technician
Civil Status:
Religion:.
Hobbies:Magduyan
Favorite Color:Pink, blue and white
Favorite Food:Anything except kare-kare
Favorite Show:Maging Sino Ka Man, Guns and Roses, Imortal, Showtime
Favorite Actor:
Favorite Actress:Anne Curtis, Bea Alonzo, Kim Chiu
Favorite Singer:MYMP, South Border, Luke Mejares

Tatlong beses nang sumubok sa audition ng PBB si Lordwin at finally ay pinalad na siyang makasama sa fourth season ng reality show. Lumaking ‘no permanent address’ si Lordwin at eventually nalagi ito sa kanyang tiyahin sa Batangas. Pagtitinda ng tilapia ang isa sa mga ikinabubuhay ni Lordwin at ang pangarap niya ay mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang kanyang mag-ina.


Bagiosa, Robelyn Elimanco

Nickname:Lyn
Status:Current Housemate
Real Name:Robelyn Elimanco Bagiosa
Origin:Surigao Del Norte
Age:25
Birthdate:1986-08-26
Nationality:Filipino
Occupation:Househelp
Civil Status:
Religion:
Hobbies:Smiling
Favorite Color:Blue, white, black
Favorite Food:Anything except goat dishes
Favorite Show:Kris TV, Happy Yipee Yehey, ASAP
Favorite Actor:Kim Chiu, Angel Locsin and Maja Salvador
Favorite Actress:Kim Chiu, Angel Locsin and Maja Salvador
Favorite Singer:Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Journey

Eight years nang nagtratrabaho bilang kasambahay kaya't sinasabi ni Lyn na hindi siya ganoon ka close sa kanyang pamilya. Smiling face na matatawag si Lyn kung kaya siguro na-inlove sa kanya ang kanyang boyfriend at sila’y two years nang magkasintahan.


Proud ang “Maid of Honor ng Surigao” dahil napili siya bilang housemate ni Kuya at may maipagmamalaki na siya maliban sa pagkakapanalo niya sa isang swimming competition noon siya’y nagaaral pa. Susubukan daw ni Lyn na maging the best housemate sa abot ng kanyang makakaya at magbibigay saya sa sinomang makakasalamuha niya sa bahay.


Enage, Stephanie Flores

Nickname:Steph
Status:Current Housemate
Real Name:Stephanie Flores Enage
Origin:Baybay City, Leyte
Age:23
Birthdate:1988-09-28
Nationality:Filipino
Occupation:Insurance Agent
Civil Status:
Religion:
Hobbies:Hanging out with my family
Favorite Color:Pink, blue, red
Favorite Food:Filipino
Favorite Show:ASAP, Mara Clara, Gandang Gabi Vice
Favorite Actor:Angelina Jolie and Anne Curtis
Favorite Actress:Angelina Jolie and Anne Curtis
Favorite Singer:Shakira, Freestyle, Charice

Mukhang shy from the outside si Steph pero isa siyang matinik na sales agent ng insurance kaya naman nabansagan siyang “Ang Benta Girl ng Leyte.” Isang nurse dapat si Stephanie by profession pero mukhang sa pagbebenta na siya malilinya pansamantala dahil sa kahustuhang mapondohan ang pangarap na makapagtrabaho sa ibang bansa.


Close sa kanyang ina si Steph at paniguradong mamimiss niya raw ito pagpasok niya sa bahay ni Kuya. Marunong makisama at di maarte, yan ang mga katangian raw ni Steph na siguradong magugustuhan ng ibang housemates sa kanya.


Hernandez, Leonard Panganiban

Nickname:Unad
Status:Current Housemate
Real Name:Leonard Panganiban Hernandez
Origin:Batangas City
Age:24
Birthdate:1987-09-26
Nationality:Filipino
Occupation:Farmer
Civil Status:
Religion:
Hobbies:Watching TV, go out with friends
Favorite Color:Red
Favorite Food:Lechong kawali
Favorite Show:Showtime, TV Patrol, 100 Days to Heaven
Favorite Actor:Sarah Geronimo
Favorite Actress:Sarah Geronimo
Favorite Singer:Sarah Geronimo

Kung magkakaroon ng Mr. Congieniality Award sa kanilang bayan, siguradong mapupunta ito kay Unad na kilalang pala-kaibigan. Mabait na anak, si Unad na ang katuwang ng kanyang magulang sa kanilang maliit na negosyong piggery.


Busilak pagdating sa pag-ibig, naniniwala si Unad na ibibigay lamang niya ang kanyang virginity sa babaeng kanyang pakakasalan.


Luz, Mark Tajon

Nickname:Mark
Status:Current Housemate
Real Name:Mark Tajon Luz
Origin:Quezon City
Age:23
Birthdate:1988-08-02
Nationality:Filipino
Occupation:Businessman
Civil Status:
Religion:
Hobbies:Basketball, boxing
Favorite Color:Blue, white, black
Favorite Food:Anything spicy
Favorite Show:The Family Guy
Favorite Actor:
Favorite Actress:Jessica Alba
Favorite Singer:Boys2Men, Bamboo

Sports ang pangunahing hobby ni Mark, basketball at boxing ang paborito nyang laruin. At dahil na rin siguro sa disiplinang nakukuha mula sa sports na ito, naniniwala si Mark sa kahalagahan ng pagiging team player. Sinabi nyang ayaw nya ng mga taong arogante, "ayaw ko nung pininipilit ng iba yung gusto nilang mangyari pero hindi pinapakinggan yung ibang tao sa paligid nila."


Pero kampante pa rin si Mark na makakasundo nya ang kaniyang mga magiging housemate. "I'm friendly, I'm a happy person," ani nya.


Almario, Naprey .

Nickname:Nap
Status:Current Housemate
Real Name:Naprey . Almario
Origin:Davao City
Age:23
Birthdate:1988-07-08
Nationality:Filipino
Occupation:Teacher
Civil Status:
Religion:
Hobbies:SCUBA diving, photography
Favorite Color:Black and white
Favorite Food:Fish and chicken
Favorite Show:Showtime
Favorite Actor:Bea Alonzo
Favorite Actress:Bea Alonzo
Favorite Singer:Martin Nievera

Biktima ang polio si Nap. Walong taong gulang siya ng nagkaroon ng mataas na lagnat, at dahil sa sakit na ito, naparalisa ang parehong binti at ngayon ay gumagamit ng wheelchair.


Hindi naging balakid ang disability sa fighting spirit ni Nap. Nabanggit nyang isa sa mga bagay na kinahihiligan nya ngayon ay ang SCUBA diving, "tatlong beses ko pa lang nagagawa, and so far, nakaka-isang oras naman ako sa ilalim ng tubig." Ang determinasyon ni Nap ang nagdala sa kanya sa PBB. Sa katunayan, kahit na isang araw nyang pumila para makapag-audution para sa PBB, tinuloy pa rin nya at ang pagiging housemate at naituturing nyang pinakamalaking accomplishment nya sa kasalukuyan.

Arlante, Erica Guiro

Nickname:Erica
Status:Current Housemate
Real Name:Erica Guiro Arlante
Origin:Bacolod City
Age:31
Birthdate:1980-08-22
Nationality:Filipino
Occupation:Painter
Civil Status:
Religion:
Hobbies:Collecting erasers
Favorite Color:Pink, purple, black and white
Favorite Food:Malaysian, Japanese and Filipino food specially galunggong
Favorite Show:Showtime
Favorite Actor:Angelina Jolie, Lindsay Lohan and Jean Garcia
Favorite Actress:Angelina Jolie, Lindsay Lohan and Jean Garcia
Favorite Singer:Spice Girls

Nagugulat ang mga tao kapag nalalaman nilang parehong Filipino ang parents ni Erica dahil very mestiza ang looks niya. Sa pagkakaalam daw niya ay may Spanish blood ang kanyang lola sa father side at marahil dito niya minana ang kanyang delicate features at fair skin. Isang painter si Erica at nakapag-exhibit na ito sa Tokyo, Japan kung saan siya ay naninirahan ngayon at kung saan siya ay nag-audition para sa PBB.


Tubong Bacolod si Erica pero una siyang tumira sa Japan noong siya ay apat na taon pa lamang dahil sa kanyang inang doon nagtratrabaho. Pabalik-balik siya simula noon dito sa bansa at ito lamang mga nakalipas na taon ang pinakamahaba niyang pag-stay doon. Ina sa tatlong anak, mamimiss ng “Nanayuki ng Bacolod” ang mga ito lalo na ang kanyang bunso na mag-one year old pa lamang.


Redrico, Jerico .

Nickname:Jerico
Status:Current Housemate
Real Name:Jerico . Redrico
Origin:Pampanga
Age:24
Birthdate:1987-02-21
Nationality:Filipino
Occupation:ex-assistant sales manager
Civil Status:
Religion:
Hobbies:Playing guitar, basketball
Favorite Color:White, blue, black
Favorite Food:Kare-kare, bulalo
Favorite Show:American Idol, Jackass
Favorite Actor:Angelina Jolie
Favorite Actress:Angelina Jolie
Favorite Singer:Boyz Avenue

Walong taong rin na nawala sa Pilipinas si Jerico. Nanirahan sa Amerika ang binata, kung saan nagtrabaho sya sa isang tindahan ng kilalang brand ng relo. Nang tanungin kung ano ang biggest accomplishment nya sa kasalukuyan, pinagmamalaki nyang sinabi na ito ay nung na-promote sya na assistant manager at naatasang mamahala ng dalawang tindahan. Ngunit kahit marami na ang responsibilidad sa trabaho, hindi pa rin kontento si Jerico at nagdesisyon na bumalik sa Pilipinas para tignan kung may mas magandang kinabukasan na naghihintay para sa kanya.


Malapit si Jerico sa kanyang pamilya. Sinabi nyang mami-miss nya ang kanyang mommy at ang twin nyang si Jeron ngayong housemate na sya.


Aquino, Diane Marie

Nickname:Diane
Status:Current Housemate
Real Name:Diane Marie Aquino
Origin:Quezon City
Age:28
Birthdate:1983-06-04
Nationality:Filipino
Occupation:Businesswoman
Civil Status:
Religion:
Hobbies:Reading, running, eating, taking photos, surfing the net
Favorite Color:White, green and pink
Favorite Food:Anything except eggplant
Favorite Show:none
Favorite Actor:none
Favorite Actress:none
Favorite Singer:none

Si Dianne ay kumakatawan sa makabagong Pilipina: Matalino, maabilidad, at sa kanyang edad ay financially independent na sa kaniyang magulang--isang bagay na ipinagmamalaki ng dalaga. Pero inaamin nya na mami-miss nya ang kaniyang pamilya at mga kaibigan pagpasok nya sa bahay ni Kuya. "More than meets the eye" bansag ni Dianne sa sarili.


Dahil na rin siguro sa mga aral na nakuha mula sa buhay, ani ni Dianne na kaya nyang makibagay sa lahat ng mga makikilala nya sa loob, pero ang ugaling hindi nya magugustuhan ay ang mga taong hindi marunong maglinis ng bahay. "Ayaw ko ng makalat," ang sabi nya.


Chua, Anatoly .

Nickname:Tol
Status:Current Housemate
Real Name:Anatoly . Chua
Origin:Surigao Del Sur
Age:33
Birthdate:1978-03-28
Nationality:Filipino
Occupation:Taxi Driver
Civil Status:
Religion:
Hobbies:Eating and listening to music
Favorite Color:White
Favorite Food:Filipino
Favorite Show:News and informative shows
Favorite Actor:
Favorite Actress:Kris Aquino
Favorite Singer:Josh Groban, Erik Santos, Bugoy Drilon, Gary V

Dating medical representative si Tol bago siya tumungong US para makipagsapalaran kasama ang kanyang pamilya. Ama sa dalawang anak, nang magkaroon ng recession ay napilitang maging isang taxi driver ni Tol to make ends meet. Umuwi na nga ang pamilya ng “Driver Sweet Father ng Surigao Del Sur” dito sa Pilipinas at siya ang naiwan sa LA para humarap sa mga naiwang responsibilidad doon.


Mahilig sa pag-awit si Tol at dahil dito nadiscover niya ang na mayroong audition ang PBB habang siya ay nasa isang pagtitipon and the rest they say is history.


Austria, Casey Anne

Nickname:Casey
Status:Current Housemate
Real Name:Casey Anne Austria
Origin:Legazpi City
Age:20
Birthdate:1991-12-25
Nationality:Filipino
Occupation:Student/DJ
Civil Status:
Religion:
Hobbies:Reading, singing, hanging out with friends, watching TV, eating, sleeping
Favorite Color:Green
Favorite Food:Desserts, sweets and carbohydrate rich foods
Favorite Show:News, The Buzz, Fashion related shows and beauty pageants
Favorite Actor:Eugene Domingo
Favorite Actress:Eugene Domingo
Favorite Singer:Lea Salonga, Taylor Swift

Aminado ang 19-year-old “DJ Uragon ng Legazpi” na namimiss na niya ang kanyang mga magulang since tumungo siya ng Maynila noong isang buwan pa at mamimiss niya lalo ang mga ito pagpumasok na siya sa bahay ni Kuya. May sakit rin kasi ang kanyang ina na na-stroke for a third time at naging rason din kung kaya’t di siya naka-enroll sa kanyang huling semester sa Bicol University kung saan siya ay isang Journalism major.


Bihasa na din sa pagsali sa mga beauty pageants si Casey upang makatulong sa kanyang magulang. Kelan lang nga ay nanalo siya ng 4th runner-up sa Ms. Bicolandia pageant. Iniidolo niya rin ang PBB host na si Toni Gonzaga, dahil bukod sa pagiging DJ sa kanilang local radio station ay kumakanta at nagho-host din si Casey sa ilang events sa kanilang lugar.


Tabusalla, Wendy .

Nickname:Wendy
Status:Current Housemate
Real Name:Wendy . Tabusalla
Origin:Muntinlupa City
Age:22
Birthdate:1989-02-07
Nationality:Fil-Indonesian
Occupation:Model
Civil Status:
Religion:.
Hobbies:Malling
Favorite Color:pink, white, black, blue
Favorite Food:pizza, burger, fries
Favorite Show:none
Favorite Actor:Anne Curtis
Favorite Actress:Anne Curtis
Favorite Singer:Katy Perry, Sarah Geronimo

Madaling maintimidate kay Wendy, pero pag nakilala na ang dalaga, malalaman na isa sya sa mga pinakamakwento at palakaibigan na housemate sa loob ng bahay ni Kuya. Laki man sa ginhawa, mas pinili ni Wendy na tumayo sa sariling paa at pinagsisikapang magtrabaho para makilala sa sarili nyang galing. At kahit na gaano ka-glamorosa ang dating, inaamin ni Wendy na mas masarap pa rin ang pakiramdam na umuwi sa piling mga taong totoong nakakakilala sa kanya.


People person talaga si Wendy. "I like meeting people," ani ni Wendy. "And I really can't be alone," dagdag panya. Ang ayaw lang nya na ugali ng ibang tao ay yung "maarte" at masyadong "pa-sosyal."


Linaban, Johnny B.

Nickname:Eting
Status:Current Housemate
Real Name:Johnny B. Linaban
Origin:Cebu
Age:27
Birthdate:1984-10-23
Nationality:Filipino
Occupation:Security guard
Civil Status:
Religion:
Hobbies:selling products (suma-sideline), playing the ukulele
Favorite Color:white, yellow
Favorite Food:pizza
Favorite Show:None
Favorite Actor:
Favorite Actress:
Favorite Singer:Jovit Baldevino

Mula sa simpleng pamumuhay si Eting. Sa katunayan, nabanggit nya na nung nakaraang taon lamang nagkaroon ng kuryente sa kanilang lugar at nakakapanood lamang ng PBB sa kanilang kapitbahay. Pero hindi nawala sa kanya ang pagnanais na mapabuti ang estado ng buhay.


Bagong kasal din si Eting, at kahit na mamimiss ang kaniyang asawa habang sya ay nasa loob ng bahay ni Kuya, lakas-loob pa rin nyang haharapin ang anumang challenge na ibibigay sa kaniya sa loob. Mapagkumbaba at masiyahin, ang ugaling hindi lang daw nya magugugstuhan ang ang pagiging plastic ng mga taong nakapaligid sa kanya.


Genzola, Joya J.

Nickname:Joya
Status:Current Housemate
Real Name:Joya J. Genzola
Origin:Silay City, Negros Occidental
Age:24
Birthdate:1987-06-11
Nationality:Filipino
Occupation:Lecturer
Civil Status:
Religion:
Hobbies:sketching, writing, watching movies
Favorite Color:blue, black, pink
Favorite Food:pinakbet
Favorite Show:Alias, Master Chef
Favorite Actor:
Favorite Actress:
Favorite Singer:

Si Joya ay ang naging topnotcher sa nursing board exam noong November 2008. Maliban sa angking talino, si Joya ay mayroong likas na matulungin na puso. Sa katunayan, kasama siya sa isang foundation na namimigay ng football shoes at equipment sa mga batang salat sa gamit sa ganitong sport. Gusto ni Joya na maging inspirasyon sa kapwa. Ani nya, basta gamitin ng maayos ang galing at talino, maaabot ng kahit na sino ang mga pinapangarap sa buhay.


Aminado si Joya na napagkakamalan syang mataray ng mga taong hindi sya kilala, pero sinasabi nyang hindi ito magiging hadlang sa pakikitungo nya sa mga magiging kapwa housemate nya. "Chill lang kami," sabi ni Joya.


Romero, Carlo Cabral

Nickname:Carlo
Status:Current Housemate
Real Name:Carlo Cabral Romero
Origin:Chicago, Illinois
Age:26
Birthdate:1985-12-02
Nationality:Filipino-American
Occupation:
Civil Status:
Religion:
Hobbies:football, dancing
Favorite Color:never had one
Favorite Food:
Favorite Show:Family Guy, COPS, Fresh Prince
Favorite Actor:Jessica Alba
Favorite Actress:Jessica Alba
Favorite Singer:Usher

Isang retail consultant para sa isang telecom company si carlo, pero ang totoong gusto niya ay maging pulis. Laking-Amerika, nag-audition si Carlo sa LA at nataon pang nakabakasyon sa Pilipinas nang abutan ng pagpasok ng unang grupo ng housemates. Sa totoo lang,dalawang araw na lang ‘yun bago ang plano niyang pagbalik sa Amerika. Hindi niya alam, may dagdag palang detour sa itinerary niya: ang bahay ni Kuya! Isang proud mama’s boy, binate niya ang ina bago pumasok: “Hi Mom. I actually did it!” Supportive naman ang ina niya na may advice na “be true to yourself”.


Walang nag-akalang sa gabi ng pagpasok ng unang mga housemates ay makakasama ang Fil-Am na si Carlo. Isang Reserved Housemate, umakyat siya ng entablado kasama ng 29 pang nagbabakasakali. Umikot ang tambiolo, at ayun: official housemate na si Carlo! Nagsimula bilang unofficial housemate at inatasang maging mole o ispiya ni Kuya, hinarap ni Carlo ang 4 na imposibleng gawain.Kahit nabuko siya at hindi nagtagumpay sa task, muli nanamang sinuwerte si Carlo nang pumayag ang mga kasama niya na manatii sa bahay bilang official housemate.

Sundan ang bawat kabanata sa buhay nila Jessica, Lyn, Nap, Erica, Unad, Mark, Lordwin, at Steph sa loob ng bahay ni kuya for Unliday tuwing 4:30 p.m, after Reputasyon hosted by Bianca Gonzalez.

At para naman sa Unlinight, makakaya kaya nila, Eting, Casey, Jericho, Diane, Anatoly, at Joya ang hamun ni kuya sa loob ng bahay kasama ang naunang mga huosemates. Hosted by Toni Gonzaga every night at 10:30 p.m after Nasaan ka Elisa?

0 comments:

Post a Comment