Thursday, September 29, 2011

Aljur Abrenica: As Dayaw in Amaya!

Napabalitang mapapabilang ang Kapuso star na si Aljur Abrenica sa Epic-seryeng Amaya at gagampanan nya ang papel ni Lapu Lapu. Ngunit sa lumabas na pahayag ng naturang epic-serye, ang actor ay gaganap bilang isang "Manikiad", isang titulo ng isang tao na nakapatay ng isa o higit pa. Gaganap siya sa panagalang Dayaw.




Dapat mamayang gabi mapapanood si Aljur bilang si Dayaw sa naturang serye, ngunit, nagkaroon daw ng adjustments sa episode ng Amaya dahil isa ang Amaya sa naapiktuhan ng pagragasa ng bagyong Pedring na nanalanta sa bansa noong Martes. Noong Lunes dapat may taping ang naturang epic-serye na gaganapin sa Pagsanjan, dahil sa sama ng panahon, nahirapan silang kunan ang mga eksena na karamihan ay outdoor scene.


Nagpahayag naman ang direktor ng Amaya na si Direk Mac Alejandro noong Martes sa kanyang Twitter Account, " Today has been a struggle. Pedring is giving us such a difficult time. "

Samantala, ang character niyang si Dayaw na isang Manikiad ay sinasabing next-in-line sa pagiging bagani or in the other term warrior chief. Ngunit iba si Dayaw, dahil siya ang palaging naatasan na magdala ng kanilang mga kalakal (tulad ng prutas, gulay, at iba pa ) sa mga taga ibaba ( mga taga kapatagan o mga taga dagat ) o taga-labas, lantad siya sa ibang tao o kultura at paniniwala. Naniniwala din sya na para sila matutu, kinakailangan nila ang taga-labas upang mapag aralan ang mga kultura nito.

Ang character na Dayaw na gagampanan ni Aljur ay bagong pasuk sa Amaya na kung saan isang kapanalig ni Amaya ang nagpaalam sa character na Lumad na ginampanan ni Mikael Daez.

0 comments:

Post a Comment