Napabalitang mapapabilang ang Kapuso star na si
Aljur Abrenica sa Epic-seryeng
Amaya at gagampanan nya ang papel ni
Lapu Lapu. Ngunit sa lumabas na pahayag ng naturang epic-serye, ang actor ay gaganap bilang isang "
Manikiad", isang titulo ng isang tao na nakapatay ng isa o higit pa. Gaganap siya sa panagalang
Dayaw.
Dapat mamayang gabi mapapanood si Aljur bilang si Dayaw sa naturang serye, ngunit, nagkaroon daw ng adjustments sa episode ng Amaya dahil isa ang Amaya sa naapiktuhan ng pagragasa ng bagyong
Pedring na nanalanta sa bansa noong Martes. Noong Lunes dapat may taping ang naturang epic-serye na gaganapin sa
Pagsanjan, dahil sa sama ng panahon, nahirapan silang kunan ang mga eksena na karamihan ay outdoor scene.